Minsan talaga kahit ayoko pa bumalik sa tunay na mundo, sa mundo kung saan palagi nalang pag-iisip at pag-aalala ang ang nangunguna, pag-naisip kita ok na agad. Kahit hindi ok masyado sa mundong yun ok na rin kasi nandun ka. Kahit alam ko na kung ano man ang meron ay maaring panandalian lng, kahit hindi sigurado kung ano man ‘to masaya pa rin ako kasi ikaw yun. Hindi man ako sigurado sa kung ano ‘to sa dulo eh ok lang. Basta masaya ako na andyan ka at may ganito. :)
Nakakatuwa ‘tong araw na to. Light sya in a way kahit na mabigat ang paligid. Labo noh? haha! Basta, ok naman ang day na ‘to. Nakakatuwa pa yung kwentuhan. Tamaan guilty e. Haha ako na guilty. Totoo pala yung sabi mo dati.. yay! Di ko alam mafi-feel ko eh. Basta kilig in a way. Tapos yung effort na tatawagan ka para lng mag-explain.. yung kung may nasabing blah blah. Well, wala nga. Dagdag points ka pa dun kc wow sa effort mo. Hehe! ikaw na. Nakakatuwa. Medyo kulang nga lng. Bitin. Hihi. Pero keri na.. :)
THE TEN COMMANDMENTSJUDAISM*AUGUSTINEORIGEN1I am the Lord thy God.I am the Lord thy God and thou shalt not have strange gods before me.I am the Lord thy God and thou shalt not have other gods before me.2Thou shalt have no other gods before me.Thou shalt not take the name of the Lord thy God in vain.Thou shalt not make for thyself any graven image.3Thou shalt not take the name of the Lord thy God in vain.Remember to keep holy the Lord’s Day.Thou shalt not take the name of the Lord thy God in vain.4Remember the Sabbath Day to keep it holy.Honor thy Father and Mother.Remember the Lord’s Day to keep it holy.5Honor thy Father and Mother.Thou shalt not kill.Honor thy Father and Mother.6Thou shalt not murder.Thou shalt not commit adultery.Thou shalt not kill.7Thou shalt not commit adultery.Thou shalt not steal.Thou shalt not commit adultery.8Thou shalt not steal.Thou shalt not bear false witness against thy neighbor.Thou shalt not steal.9Thou shalt not bear false witness against thy neighbor.Thou shalt not covet thy neighbor’s wife.Thou shalt not bear false witness against thy neighbor.10Thou shalt not covet.Thou shalt not covet thy neighbor’s goods.Thou shalt not covet.
On this day, April 6, 2012 (Friday), iiwas sa anoman bagay na makakabreak dito.
Noon, akala ko sobrang dali sundin ‘to.. parang “hello oo naman oh”. Talaga naman dapat kasi sobrang mali na gawin ang mga bagay na pinagbabawal. Noon yun. Hehe! Habang nagmamature ka pala, ang daming nagbabago. May mga bagay na kung iisipin lang madali pero ang hirap gawin. Minsan kc ang hirap talaga iwasan. Pero you have to do your best para masunod ang mga ito. Today is Good Friday.. please please. Iwas bisyo. Iwas sa mga BAWAL. :)
Ang isang bagay na nawala, nasira o nag-iba wag mo na asahan na maibabalik pa. Pwedeng maibalik pero lagi mong tandaan, hindi na ito tulad ng dati. Ang laki na ng pinagkaiba. Ginusto mo naman kaya masanay ka na sa pag-iiba. Walang may gusto nito kung hindi ikaw. Masaya ka naman diba? Ganon talaga eh, hindi pwedeng marami kang hawak. Isa-isa lang. Hinawakan mo ang isa kaya bitiwan mo na ang isa. Kung may pumulot man, tanggapin mo na mapupunta na sya sa iba. ‘Wag mo na subuhan na pulutin ulit kasi hindi na pwede. Wala ng second time, ok? Maging masaya ka nalang kung may pupulot ng iba.. gaya ng pagpilit nyang maging masaya sa kung ano man ang napili mo.
Salamat sa pagbibigay ng reasons to be happy. Aaaw.
“Hi Saba.. Sexy naman ni Saba”
hahaha! Kahit alam ko na hindi totoo, natuwa ako. HAHAha! Ikaw na! Napapasaya ako bawat hi, bawat greet, bawat pambobola mo. hahaha! Wala lang. Kahit iniechos mo lang ako, talo-talo na.. basta masaya ako. :)
Isa pa na reason para maging happy ay ang like. yay! Isa ka pa. Pinapasaya mo nanaman ako eh. tsk. 6th year na to anooooba! <3
First day of 2012.. Hay. Byebye 2011.. Thank you for all the memories. Salamat at naging nice ka kahit paano. So 2012, please please please be extra nice. haha! ha?! :))
Goodbye pogi na. Back to the normal me. Aaaw. Same old brand new me. Wala na. Mag-iiba na lahat ngayon promise. Wala ka na. Haha!Erase erase. Hello sa mga bagong mangyayari sa buhay-buhay. Bagong taon, bagong buhay. Sa bagong buhay na yun, may mga hindi na kasali. Ito ang pinili natin kaya lets face it.
Ang daming masasayang ngyai sa 2011. Maraming nakilala na talagang nagpasaya at patuloy na nagpapasaya. Sana 2012 onwards magkakasama pa rin. Salamat for making my 2011 meaningful. Salamat sa lahat ng tumulong lalo nung nagsisimula palang ako. At sa mga kumontra, mga muka nyo. Tatayo at tatayo pa rin ako. Hindi ang gaya nyo ang magpapatumba sa akin. BWAHAHAHA!. :p
Welcome 2012.. :)
Hindi ko alam kung maiinis ako sa nalaman ko o dapat matuwa ako kasi hindi ako nagpauto sayo. Ang labo mo. Nung una ok ka eh..pero lumabas din ang tunay na kulay. Pasalamat talaga ako at hindi ako nagpauto sayo. Nakakainis lang isipin na nasama ako sa kwento mo. Sana hindi nalang. Pero wala na akong magagawa, andyan na yan eh. Siguro ang the best nalang na gawin ngayon is to act as if hindi nasabi ang mga sinabi. Normal lang ang lahat. Bahala na. Kaya naman siguro, diba? Kinaya mo nga eh.. mas lalong kakayanin ko.
Teka nga, bakit ba ako affected?! haha! Ang labo ko. Akala ko ba wala lang? Aynako. Dala lang siguro to ng mga nalaman ko noh?! Bukas makalawa wala na to. :)
Hello matagal na rin akong hindi nakabisita dito.. Limot ko na nga actually ang account ko dito eh. Hehe! Ewan ko pero biglang may something na nagpabalik sakin dit. Huwat?! Hehe!
Ok naman so far ang life. Meron pa din syempre mga bagay na hindi maganda pero ok pa naman. Pwede na rin yan. Bahala na. Aaaw.
Ang sarap ng panahon ngayon. Ewan ko kung nagkataon lang or talagang ganon eh..After nung mass nung birthday ni Mama Mary, nagsimula na yung magagandang bagay sa buhay. Hehe! Una eh yung magandang balita. Thank you po. :) Then after nung mass na sponsor ang iNAV, eh ayun ang saya na every day. Ewan ko kung bakit pero very positive ang energy. Everyday you find reason to smile, to laugh… to be happy. Ang sarap! :) Alam mo yung feeling na kahit sobrang loaded ka at pagod na eh ang saya mo pa din.. Grabe pa dn yung tawa mo.. Hehe!
Thank you.. Thank you, Lord. <3 <3 <3
Nakakatuwa kahapon nakita ko si Tutti sa mall. Pagkakataon nga naman e noh?! :P Bumibili ako ng shake tapos nung on the way na ako papunta kay mama biglang may humapas sa sakin (hampas talaga kasi ang lakas eh) haha! Kala ko nga mga taga 41, yun pala si Tutti Caringa. WOW!:)) Nagulat ako eh. Parang tanga tuloy ung pinagsasabi ko. Tss.
Saba: Uy!
Tutti: uy!
Saba: Wow pumupunta ka pala dito?!
Tutti: ano ka ba diba taga dito lang ako.
Saba: Ay oo nga pala. Hehe!
Tutti: Tapos na yung album..
Saba: Wow talaga? Launch na?
Tutti: di pa..
Saba: aaaah…
Tutti: Malapit lang ba kayo dito?
Saba: oo jan lang kami sa coa
Tutti: ah talaga?
**sabay kalabit sa wife*
Tutti: Schoolmate ko… *turo sakin*
Saba: Hi.. :) :) :)
Saba: ang galing talaga noh nagpupunta ka pala dito.. buti di ka dinumog?
Tutti: dami nga nakakilala sakin kanina eh
Saba: ang galing pumupunta ka pala dito…
** muka akong tanga na paulit-ulit ang tanong noh?! HAHAHA! nakakahiya. Tas sabay sabi ko “sige uwi na kami”
Tss. Ang laki rin nmn ng sira ko noh?! bakit kaya ako nagpaalam agad?! Ang tagal ko na kayang di nakita yun sabay ganon lang umalis ako agad. Ako na epal. tsk tsk. Nakakatuwa lang na pinakilala nya ko as schoolmate… aaaw. Ikaw na Tutti. Hehe!:)
Nakakatawa kasi puro salita.. kulang sa gawa. Gumalaw ka pare para may mangyari. Kung puro salita, pahaging at patama aynako wala kang mapapala. :)
Alam mo ok ka sana eh. Nakakatuwa nung una.. ok kung sa ok.. kaso nung lumabas ang tunay na ugali, ang tunay na intention… ay wala na. Sorry, game over. =)
Isa sa pinaka nakaka-umay na tao ay yung magaling mag-take advantage. Nakakainis lang eh. OK ka na sana. Ok na sana ung situation kaso may ugaling nakakaumay. Ang sakit mo sa bangs sa totooo lang. Sana lang di mo iniisip na kaya mo mabago ang mga bagay-bagay kasi sinasabi ko sayo, HINDI. Alam ko kung ano ang gusto ko, alam ko kung hanggang saan lang dapat. “Wag mong lahatin kasi hindi lahat ng tao ay parepareho. Isa ako dun sa iba. Hindi mo na mababago yung kaya try again pero sa iba naman ok?! :p Hindi ako galit, gusto ko lang tigilan na ang dapat tigilan. Ayoko ng ganito. Mukang nagkamali ako nung inakala ko na mas ok ung mas mukang matino… Di pala. Atleast nalaman ko habang maaga pa. :) I’m telling you, kung pakiramdaman lang din ang labanan, magaling tayo dyan. ;)
Hindi na ako magdadahilan o mangangatwiran..bahala na kung ano mangyari. Ewan kung san tutungo ‘to. Bahala na. Ayoko na rin yata eh. Alam nyo bakit? Kasi nakakahurt na ganon ang ngyari. Akala ko ok, di pala. Ang masakit pa dun, sa isang side lang nakatingin. Sila lang ba? Wala na bang ibang taao?! Kelangan ung negative? Ang sakit kaya. Gusto ko na sumuko pero marami akong bagay na pinanghihinayangan eh. Basta bahala na kung san mapupunta to. Kung wala e di wala. Salamat nalang.